Halik.
Isang halik na kayang baguhin ang takbo ng mga pangyayari.
Sigurado ako sa nararamdaman ko. Mahal ko siya.
Ang malakas na ulan ay unti-unting humina hanggang sa tumila.
"Andrew?"
Pareho kaming napabaling sa boses na iyon.
"Hanna.." Anas ni Grae.
Siya 'yung babaeng kasama ni Grae sa bar noong sunduin ko si Liam.
"S-sino siya? Anong.."
Inabot ni Grae ang kamay ko.
"Anong ibig sabihin nito, Andrew?"
"Hanna, siya si Riz."
Gulat niyang nasalo ang bibig. "S-siya si Riz?" Usal nito. Hindi siya makapaniwala. Maang siyang nagpabaling baling ng tingin sa aming dalawa. "P-pero Andrew, how about me?!" Nangilid ang mga luha nito sa mga mata.
"I'm sorry, Hanna." Napayukong ani Grae.
Umiling iling siya. "Ganun na lang ba 'yun ha?! Iiwan mo na lang ako dahil nakita mo na siya? Paano ako?!" Batid ko ang panginginig ng kanyang boses. "Huwag mong gawin sa akin 'to!"
"Hanna, sorry pero siya ang mahal ko. Siya lang." Pagkasabi niya niyon ay agad niya akong hinila pero kasabay niyon ang paghabol sa kanya ni Hanna.
"Andrew!" Humihikbing aniya. "Huwag ganito, please.."
"Hanna, tama na. Hayaan mo naman akong maging masaya."
"Paano ako!? Hindi ko kaya..please huwag mo akong iwan!" Humahagulgol na aniya.
Agad siyang lumapit sa akin. Mariin niya akong hinawakan sa aking magkabilang braso. "Please, Riz, huwag mo siyang agawin sa akin. Please.." Pagmamakaawa nito.
"Ano ba Hanna!" Singhal ni Grae.
"Andrew, mahal kita eh." Humihikbi itong napayakap kay Grae.
"Please, tama na." Pakiusap nito.
"Andrew.." Mariin itong napailing.
Agad akong napabaling kay Grae. Hinila ko ang kamay ko sa mahigpit niyang pagkakahawak pero hindi niya iyon binitiwan.
"We're done Hanna, sorry but we're done." Kumawala ito sa pagkakayakap ni Hanna.
Kitang kita ko kung paanong bumuhos ang mga luha ni Hanna sa kanyang pisnge. Batid ko ang sakit na 'yun pagkat ilang beses ko na iyong naramdaman.
Hinila ako ni Grae palayo sa lugar na iyon. Hindi niya ako binitiwan hanggat hindi namin nararating ang kanyang sasakyan.
Binuksan niya iyon pero nanatili lang akong nakatayo sa harapan nito.
"Gummybear.."
"Sa tingin ko ay kailangan mo siyang balikan. Maling ako ang isinama mo dito."
Huminga siya ng malalim. "Please, Riz, pumasok ka na." Usal niya.
Binalingan ko siya saka ko binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Pumihit ako patalikod pero agad din akong natigilan ng humarang siya sa aking harapan.
"Pumasok ka na. Kung ayaw mong magwala ako dito, please pumasok ka na."
"Nandoon ang girlfriend mo--"
"Hindi ko siya girlfriend!"
Sinungaling!
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...