Sabay kaming naglakad ni Liam papunta sa bahay ni Lianne. Malayo pa lamang kami ay namataan na namin ang isang magarang sasakyan na nakahinto sa tapat niyon.
Nang makapasok kami ng gate ay agad naming nabungaran si Bea. Nakasilip ito sa pinto.
Gugulatin ko sana siya pero naunahan ako ni Liam. Sumilip din ito sa loob saka napalinga-linga.
"Anong meron, Bea?" Bulong nito.
Agad namang napabaling sa kanya si Bea. "Liam!"
"Anong ginagawa mo?" Mahina kong tanong.
"Sssshh!" Idinikit nito ang hintuturo sa kanyang bibig.
Maang namin siyang pinagmasdan ng muli siyang sumilip.
"Then tell me, sino ang ama ng bata."
Halos lumuwa ang mga mata ko ng marinig ko kung kanino ang boses na iyon.
"Wala kang pakialam kung sino man siya."
"Tsk!"
"Hindi ko alam kung bakit nandito ka pa at nanggugulo. Hindi ba dapat ay nagsasaya ka na ngayon dahil malapit ka ng ikasal?"
"Lianne, ang gusto ko lang ay malaman ang totoo."
"Ano bang totoo ang pinagsasabi mo?"
"Ako ba ang ama ng bata?"
"Nagpapatawa ka ba? Alam mo, masyado na akong maraming oras na nasayang dahil sa pagpapatuloy ko sayo. Pwede bang umalis ka na?"
"Sige, aalis ako pero gusto kong makita mo muna yan."
"Ano yan?"
"Buksan mo." Saglit siyang natigilan. "Mga pictures ko yan noong bata pa ako."
"Tsk! Ano naman sa akin?!"
"Ano naman sayo? Hindi mo ba nakitang mabuti?"
"Umalis ka na."
"Kamukhang kamukha ko ang anak mo, Lianne. Nagkataon lang ba 'yun?"
"Maraming magkakamukha sa mundo, Vince. Huwag kang mangarap."
"Lianne pwede ba? Kahit ngayon lang. Kahit tungkol dito lang maging totoo ka naman sa akin!"
"Hindi ko alam kung paano kong isisiksik dyan sa kukote mo na hindi ikaw ang ama ni Van kaya pwede ba umalis ka na?!."
"Sige, Lianne. Ipagdamut mo ng ipagdamot sa akin ang katotohanan pero hindi ako titigil. Aalamin ko ang totoo."
"Anong ibig sabihin nito?!" Si Liam.
Hindi namin namalayang pumasok siya sa loob.
Nagulat na lamang kami ng bigla siyang lumapit kay Vince. Hinablot nito ang kanyang kwelyo saka niya inundayan ng suntok.
"Kuya!"
"Liam!"
"Kuya, tama na!" Mabilis na inawat ni Lianne ang kanyang kapatid. "Vince, pwede ba umalis ka na!" Sigaw nito.
"Liam.." Salo nito ang sariling labi. Pinahid lamang niyon ang dugo saka tumayo sa pagkakabagsak. "Anak ko si Van!" Sigaw niya.
"Tumigil ka na!" Asik ni Lianne.
"Lianne, totoo ba?!!" Halos dumagundong ang boses ni Liam sa apat na sulok ng bahay na iyon.
"K-kuya.."
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomansaIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...