29

88 9 0
                                    

Araw araw akong nagpupunta sa bahay ni Grae. Nagluluto ako ng pagkain at dinadala ko iyon sa kanya pero lagi ko siyang hindi naaabutan doon.

Bukas na ang graduation niya. Kahapon ay tinawagan ako ni tita Margarette para imbitahan sa salu-salong gaganapin sa Mansyon para sa kanya.

Sana ay okay lang siya.

Inilagay ko sa fridge ang Graham cake na ginawa ko. Napansin kong hindi niya pa nagagalaw ang fruit salad at leche plan na dinala ko kahapon. Pero hinayaan ko lamang iyon doon. Baka pag-uwi niya ay magutom siya at kumain.

Chineck ko ang mga supply niya maging sa kanyang banyo. Kumpleto pa naman. Pero napakarami niya ng nagkalat na damit sa laundry room. Isa-isa ko iyong dinampot. Nakakapagod pero tinapos kong labhan ang lahat ng iyon.

Para akong martir na asawang hindi man lamang mabigyan ng pansin.

Pero okay lang. Ginagawa ko ito hindi para mapansin niya.

Ginagawa ko ito dahil....

dahil...

BLAGGGG!!!!

Agad akong napabaling sa pintuan. Halos mayanig ang bahay sa pagkakabagsak niyon.

Patakbo akong lumapit. Kulang na lamang ay gumapang si Grae sa pagpasok ng bahay dahil sa kalasingan.

"Oopppsss! Sweetie, sandali!" Inalalayan siya ng kasama niyang babae. Tumawa ng malakas ang babaeng iyon ng pabagsak na matumba si Grae sa sahig.

Nag-uwi nanaman siya ng babae!

"Teka lang, aalalayan na kita." Maarteng sabi ng babaeng iyon. Pero agad siyang napabaling sa akin. "Pwede bang tulungan mo akong itayo siya."

Tibay! Inutusan pa ako. Lumapit ako saka ko siya tinulungan. Iniakyat namin siya sa kanyang kwarto.

Nang makahiga si Grae ay agad kong hinarap ang babaeng iyon. "Salamat sa paghatid mo sa asawa ko. Pwede ka ng umalis."

Nanlaki ang mga mata ng babaeng iyon. "A-asawa ka niya?" Gulat na tanong nito.

Pumameywang ako saka tumangu-tango. "Alis na."

Hindi magkanda-ugaga ang babaeng iyon sa pag-alis. Halos takbuhin niya ang pinto dahil sa takot.

Napasinghal ako. Muli kong binalingan si Grae. Sinamaan ko siya ng tingin saka ko siya iniwan.

Dumiretso ako sa kusina. Inilabas ko sa ref ang lahat ng dinala kong pagkain. Kinain ko ang lahat ng iyon. Walang hiya kang lalaki ka! Galit na galit ko iyong inubos.

Halos mabundat ako sa kabusugan. Hinimas ko ang tyan ko. "Okay lang yan baby, good boy naman yang daddy mo eh.ay sapak lang talaga." Para akong tanga.

Iniwan ko sa lamesa ang pinagkainan ko. Wala akong pakialam kung langgamin man iyon.

Pumunta ako sa sala. Binuksan ko ang t.v. Nanuod ako hanggang sa makatulog.

Hindi ko namalayang inumaga na ako ng gising. Nag-inat ako ng katawan pero laging gulat ko ng mahulog ang kumot sa pagkakahiga ko.

Kinumutan ba niya ako?

Taka ko iyong pinagmasdan saka ako bumaling sa paligid. Patay na din ang t.v.

Napangiti ako. Pakiramdam ko ay napakaganda ng araw ko.

Umaga na. Dito na pala ako nakatulog sa sala ng bahay ni Grae. Sobrang napagod talaga ako kahapon. Pero okay lang..heheh

Bumangon ako saka dumiretso sa banyo. Nakangiti akong humarap sa salamin. "Good morning sun--shine!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin.

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon