Grae's POV
Nahihilo parin ako ng dahil sa jetlag pero pakiramdam ko masayang masaya ako.
Nagpabaling baling ako sa paligid. Napakaganda ng sikat ng araw ngayon. Para bang kakatapos lang hagkan ng araw ang tumilang ulan.
Nang makalapag ang private plane na kinalulunanan ko ay dumiretso kaagad ako sa flowershop upang mamili ng mga bulaklak pagkatapos ay agad kong pinaharurot ang sasakyan paalis.
Dumiretso ako sa Mansyon.
Halos inabot ako ng tatlong oras bago ako makarating sa Hillmore. Pakiramdam ko tuloy ay napakabagal ng oras.
Pagbaba ko ng sasakyan ay agad kong nilinga ang bawat sulok ng mansyon. Halos isang taon ko ding ipinaayos iyon at pinaganda. Umikot ako upang pagmasdan ang paligid. Napangiti ako ng magustuhan ko iyon.
"Sir, nandito na po pala kayo."
Napabaling ako sa matandang babaeng nasa pinto.
"Manang Remedios."
"Maligayang pagbabalik po, Sir Grae." Bati ng matanda na bahagyang yumukod sa aking harapan.
"Salamat, Manang."
"Pumasok na po kayo sa loob. Ipaghahanda ko po kayo ng tanghalian."
"Huwag na kayong mag-abala, Manang. Nagmamadali kasi ako ngayon. May kukunin lang ako sa taas pagkatapos ay aalis din ako."
"Ah ganun po ba?"
Tumango ako sa kanya saka ako pumasok sa loob.
Mula sa labas ng mansyon hanggang sa loob ay nagbago na. Nakakapanibago iyong tignan pero napakaganda naman ng naging resulta.
Mabilis akong umakyat ng hagdan saka ko binagtas ang daan patungo sa Master's bedroom.
Pagpasok ko doon ay agad kong nabungaran ang sunflower painting na nabili ko noon sa exhibit ni Donna.
Napangisi ako saka ko iyon nilapitan. Tinanggal ko iyon sa pagkakalapat sa dingding saka ko ibinaba.
Naisip kong baka hindi iyon magustuhan ng babaeng mapapangasawa ko kahit pa siya ang dahilan kung bakit ko iyon binili.
Inilapag ko iyon saka ko hinimas ang pader.
"Wedding picture ang bagay dito." Anas ko.
Maya-maya pa ay naglakad ako papalapit sa kama. Umupo ako sa gilid niyon saka ko hinila sa bedside table nito ang isang malaking kahon.
Binuhat ko iyon pagkatapos ay inilapag ko sa ibabaw ng kama.
Napakatagal na ng kahong iyon sa pagkakatago. Batid kong hindi na iyon katulad ng dati pero umaasa akong maayos pa ang lagay ng mga itinago ko doon.
Binuksan ko iyon. Napangiti ako ng makita ko ang mga tuyong talulot ng sunflower na nanduruon. Nakakapagtakang buo parin ang mga bulaklak niyon kahit na inabot na ito ng napakahabang panahon.
Sa gilid niyon ay may dalawang pulang kahon.
Dinampot ko ang mas malaking kahon. Binuksan ko iyon. Naalala kong ibinigay ko ang regalong iyon ng walang laman. Hanggang ngayon ay natatawa parin ako tuwing maaalala kong ibinigay ko ang kahong iyon bilang isang pang-asar na graduation gift.
Inilapag ko iyon saka ko dinampot ang mas maliit na kahon.
Lola.
Marahan ko iyong binuksan. Naramdaman kong namasa ang aking mga mata ng kuminang iyon.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
Любовные романыIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...