Ikinasal si Kuya Summer at Ate Anika sa isang pribadong resort. Mga malalapit na kamag-anak at mga kilalang kaibigan lamang ang kanilang inimbitahan.
Hindi iyon ganoon ka-inggrande, di tulad sa mga napapanood kong kasal ng mga mayayaman. Simpleng simple lamang iyon pero makikita parin ang karangyaan.
Lumingon lingon ako sa paligid. Isang buwan na ang nakalipas mula ng makagraduate ako pero hindi ko parin nakikita ang Grae na iyon. Siguro naman ay pupunta siya sa kasal ng kapatid niya.
Maya maya pa ay nagsimula na ang seremonya.
Inaantok ako sa pagsasalita ng pastor na nagkasal sa kanila. Hindi ko sya masyadong maintindihan. Paano kasi ay dumuty pa ako kagabi sa Coffeeshop at wala pa akong matinong tulog.
Nagtayuan ang lahat at nagpalakpakan. Madaling natapos ang kasal na iyon.
Dumiretso kami sa isang malaking bulwagan kung saan gaganapin ang reception. May malaking stage sa harap ng mga lamesa. Maya maya pa ay dinulugan ito ng mga pagkain ng mga tauhan ng resort na iyon. Iba't ibang putahe. Nakakatakam at nakakagutom.
Napakaganda ng lugar na iyon. Kumikinang at puno ng kristal na disenyo.
Sa gilid ng stage na iyon ay may mga mang-aawit. Napakaclass. May pianista at violinista.
Sa gitna ay dumulog ang dalawang bagong kasal. Napakasaya nilang tignan. Napakaganda ni Ate Anika sa suot nitong trahe de boda. Samantalang gwapung gwapo naman si kuya sa suot nyang black suit.
May igagwapo pa pala sya. Hehe
Mangha ko silang pinagmasdan habang nagsasalita ang dalawang host. Napuno ng tawanan at kilig ang lugar na iyon.
Masayang masaya ako para kay kuya. Alam kong darating din ang panahong ito. Kailangan nyang sumaya sa piling ng ibang babae.
Saglit akong pumunta sa banyo. Antok na antok na talaga ako. Mamaya ay kailangan ko nanamang pumasok sa trabaho. Noong una ay pinigilan ako nila kuya pero kalaunan ay napapayag ko din sila.
Nanlalata akong pumasok ng ladies room. Pagpasok ko doon ay nabungadan ko ang likod ng isang babae. Hapit ang suot nitong damit. Hulmang hulma ang bawat kurba ng kanyang katawan ang suot niyang backless na silver gown. Bumaling ako sa replekson ng kanyang mukha sa malaking salamin na iyon.
Ang ganda!
Napansin nya ang pagtitig ko. Napangiti siya pagkatapos ay iniikot ang maliit na pulang lipstick na hawak saka iyon tinakpan.
Napatikhim ako at kunyari ay hindi ko siya napansin. Humarap ako sa salamin kagaya nya. Tinignan ko ang replekyon ng mukha ko. Namumungay ang mga mata ko at medyo nangingitim na ang ilalim. Para akong nagdadrugs sa itsura ko.
Hayyy!!!
"Ikaw ang kapatid ni Mac Summer?"
Medyo nabigla ako ng tanungin nya. Pakiramdam ko ay nagising ang inaantok kong diwa.
Ngumiti lamang ako sa kanya saka tumango.
"I'm Donna Venice del Valle." Inilahad nya ang kanyang kamay.
Tinanggap ko naman iyon.
"Riz. Rainy Riz."
Pagdapo pa lang ng palad nya sa akin ay nahiya na ako. Ang lambot niyon samantalang ang sa akin ay magaspang at matigas. Agad ko iyong binawi.
"Nice to meet you."
Ano ba ang dapat kong isagot sa kanya?
Ngisi. Nahihiya talaga ako.
"You look pale, okay ka lang? Gusto mong lagyan kita ng lipstick?" Itinaas niya ang pulang lipstick na iyon at akmang ilalapit sa akin.
"Naku! Hindi na. Okay lang ak-"
Mabilis syang lumapit sa akin. Tinitigan nya ang labi ko. Malapit na malapit. Napaatras ako. Napahawak sa sink ng banyo.
Ngumiti sya saka ipinahid ang pulang lipstick na iyon sa labi ko. Pakiramdam ko ay nanigas ang buo kong katawan.
"You look good." Aniya. Tinakpan nya ang lipstick na iyon saka ipinasok sa maliit nyang pouch.
Maya maya pa ay muli syang tumingin sa salamin. Hinawi ng kaunti ang kanyang buhok.
Iniayos ko ang sarili ko. Tinignan ko ang repleksyon nya sa salamin. Ang ganda ganda nya.
"Salamat." Pagkasabi ko ay ngumiti lamang sya.
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Pulang lipstick katulad ng sa kanya. Napangiti ako. Pumasok ako sa isang cubicle. Naupo. Hinintay kong makaalis siya saka ako lumabas.
Wala ng tao. Wala na sya. Iniayos ko ang damit ko. Pinasuot iyon sa akin ni Ate Anika. Napakagandang cocktail dress. Kulay krema na may maliliit na beads.
Paglabas ko ay narinig ko ang umuugong na piano. Tumutugtog iyon sa saliw ng isang pamilyar na awitin.
Instrumental lamang iyon pero mababatid mo ang liriko.
Pilit kong inaalala ang pamagat ng kantang iyon. Napakaganda nitong pakinggan.
Naglakad ako palapit upang masilip ang pianista.
Lunok.
SUNFLOWERMAN!
Baby, I’m dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening in to our favorite song
When I saw you in that dress
Looking so beautiful
I don't deserve this
Darling you look
Perfect tonightOhhh...
Baby, I’m dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening in to our favorite song
I have faith in what I see
Now I know I have met an angel
In person and she looks perfect
I dont deserve it
You look perfect tonight.(Ed Sheeran - Perfect)
Pakiramdam ko ay nagkaroon ng liriko ang kantang iyon hanggang sa bumagal at huminto.
Isang masigabong palakpakan ang ibinigay sa kanya ng lahat.
Hindi lang sya gwapo kundi napakatalented pa.
Pakiramdam ko ay gising na gising ako ng makita ko sya. Tumayo sya saka bahagyang yumukod sa lahat. Maya-maya pa ay bumaba na sya ng intablado. Nagslow-mo iyon sa paningin ko.
Naglakad sya patungo sa direksyon ko.
Napalunok ako ng ngumiti sya.Kinalabong ang dibdib ko.
Palapit na sya ng..lagpasan nya ako.
Unti-unting nawala ang pagkakangiti ko. Dahan-dahan akong lumingon.
Lumapit sya kay Donna. Yung magandang babae kanina. Hinapit nya ito ng yakap saka hinalikan sa pisnge.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...