palagi mo akong tinatanong kung bakit ako masaya
tinatawanan ko na lang sapagkat ikaw lang naman ang kapalitan ko ng salita
pero hanggang ngayon bakit hindi mo pa rin nahahalata
na bakit mo pa kailangan itanong kung sino pero ikaw naman matagal na..sino bang hindi mahuhulog kung ganiyan mo ako palagi tignan
pinipilit ko namang di mahulog pero ang nararamdaman ay mahirap pigilan
lalo na kung sigurado na ako kung sino ang gusto ko
ikaw lang naman kaya pinipili kong manatili sa tabi mosino bang hindi magkakagusto sa ganiyang ngiti
o sa mga mata na kasing ganda ng mga bituin
matagal na akong nahuhulog pero wala akong planong umamin
dahil alam ko naman na sa dulo di ako ang iyong pipiliin.