Lumisan ka sa piling ko na wala kahit anong paalam na sinambit
Pinabayaan nalang ako na malubog sa aking luha at sa aking madaramang sakit
At madurog sa mga alaalang mahirap talagang kalimutan
Biglang pinunta sa dulo ang pagmamahalang akala ko walang hanggananWala akong mawari na dahilan kung bakit kinailangan mong lumisan
Na parang nakalimutan lahat ng masasayang pinagsamahan
Akala ko ba sinabi mo tayo hanggang sa dulo
Pero bakit lahat ng inakala ko sa dulo biglaang nagbagoLumisan ka dahil nawala na ang pagmamahal na iyong nararamdaman
Lumisan ka kahit alam mo na tunay akong masasaktan
Dahil ano nga naman magagawa ko kung tayo ay pinagtagpo lang talaga
At hindi kahit kailan itinadhana para sa isat isa.