24

40 8 0
                                    

patawad kung di ko agad nabitawan ang iyong kamay kahit wala na talaga
gusto ko pa kasi ulit magkaron ng nararamdaman,gusto ko pa sanang ipaglaban
ibahin ang mga storyang itinakda na ng tadhana,masama nga ba? na gustuhin maibalik ang pagmamahal mo na nawala
naging desperado ako sa pag abot sa puso mo kahit di ko alam na ako ay nasasaktan

ganon kita kamahal. at ganun din naman ako katanga
dahil mas inuna ko pa yung puso mo kesa sa puso kong nasasaktan na
nag paalam ka lang naman diba? may pagkakataon kang bumalik at pwede kang maglaho
pwedeng ako pa din ang laman ng puso mo o pwedeng magbago

pero sobra kang sigurado na hindi na bumalik
dahil wala kang iniwan na bakas o pabaon na halik
siguro nga sigurado ka sa lahat ng desisyon mo sa buhay
at sa akin ka lang talaga nagkamali.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon