Bakit sa simula lang laging masaya
Unti-unting nawawalan ng ligaya
Bakit parang ang daya ng tadhana
Pagtatagpuin kayo pero paglalayuin rin pala.Hindi ba pwedeng tayo na lang hanggang sa dulo
Para hindi na muli luluha yung mga mata ko
Sawang sawa na kasi ako masaktan kaya iniingatan ko yung tayo
Pero parang nagsasawa ka na kitang kita ko sa mga mata moHindi ba pwedeng hindi na lang mag paalam
Para hindi na ito umabot sa katapusan
Kasi ayaw ko gumawa ng desisyon na aking pagsisisihan
Pero kung ayaw mo na talaga,maari ka nang lumisanDahil kung hindi ko na nabibigay yung hinahangad mo
Paano pa kung pinatagal ko pa ito
Masasaktan lang natin ang isat isa
Tadhana ang kalaban nating dalawa.