palaisipan

4 1 0
                                    

Ang aking mga agam-agam para palayain ka
Kung meron bang kalampi na sakit ang aking madarama
Makakapahinga ba ang mga mata sa tuluyang pagluha
Sapagkat tuluyan nang naglalaho ang iyong pagsinta

Naapuhap ko nga ang iyong pag-ibig pero parang hindi nakalaan para sa akin
Dahil kahit napangiti kita ng lubos ay kahit kailan hindi mo ako kayang piliin
Wari ko nang maiiwan mo rin ako na muling nag iisa
Pero anong laban ko kung bumitaw kana at hindi na sa aken masaya.

Ang mga talinghaga sa ating pag iibigan na tila hindi itinadhana
Mga katanungan kung bakit pinili pa ni bathala na tayo ay pagtagpuin pa
Pinalaya kita pero parang hindi ko pa rin nahahanap ang saya
Na nararamdaman ko dati kapag ikaw ang palaging kasama.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon