pwdngwgnlng

3 0 0
                                    

Pupwede bang wag nalang? Pagod na ako sa sitwasyong matatalo lang naman ako
Bakit pa kasi kita kailangan samahan kung iba na ang makakasama mo sa dulo
Pupwede bang isuko nalang? Ayoko nang lumaban,ayoko nang ipaglaban kung anong meron tayo
Dahil alam ko na may iba naman talagang gustong ipaglaban yan puso mo at alam kong hindi ako.

Pupwede bang iba nalang ang mahalin ko? Yung alam kong kaya akong ipaglaban hindi tulad mo
Dahil sa simula palang nang laban natin ay hinayaan mo na ako at pinanood na matalo
Pwede bang hindi nalang nagkakilala pwede rin bang hindi na tayo talaga nagtagpo
Para maibsan ang nararamdaman kong sakit dahil sobra na yung sakit na nadarama dito

Sinubukan kitang ipaglaban pero yung mismong pinaglalaban ko ang sumuko
Sinubukan kong kumapit pero yung kinapitan ko ang bumitaw sa kapit ko
Sinubukan kong hindi masaktan pero hindi ko maiwasan dahil kung sana walang tayo
Hindi na rin sana ako sobrang nasasaktan ng ganito.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon