🌒

5 3 0
                                    

May magagawa pa ba ako para manatili ka
O pipiliin mo pa ring lumisan at hayaan akong mag isa
Na nadudurog,na nasasaktan,na lumuluha habang umaasang babalik ka
Na maibabalik ang pag ibig mo na nanlamig na.

May nagawa ba akong pagkakamali kung bakit nais mong lumisan
O sadyang hindi na talaga ang iyong tunay na kailangan
Kinailangan mo ba talaga ako? O ako lang habang wala pa yung kailangan mo?
Inisip mo ba yung nararamdaman ko? O inisip mo lang yung ikasasaya mo?

Ang hirap maging sandalan ng taong may hinahantay na bumalik sa kaniya
Dahil magiging sandalan ka lamang dahil hindi pa dumadating yung kailangan niya
Pero ang tanga tanga ko dahil umasa ako sa mga motibo mo
Dahil nasaktan ako sa dahilan kung bakit mo ako iniwan ng ganito.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon