Bigkas

22 3 0
                                    

Ang hirap nating bigkasin
Mga salitang Ikaw ay mahal pa rin
Dahil di natin alam kung tatanggapin
O ikaw pa rin ang mamahalin

Ang hirap nating bigkasin
Ang salitang paalam sa mahal natin
Mahal natin na ayaw nating bitawan sating kamay
Ayaw nating bigkasin baka masayang lang ang ating mga laway

Kayhirap bigkasin ang salitang ayoko na
Ayoko na sayong umasa
Ayoko na masaktan pa
Ayoko ko na magmukang tanga

Kayhirap bigkasin ang Kaya pa ba
Kaya pa bang umasa
Kaya pa bang masaktan dahil walang pag asa
Kaya pa bang pigilin ang luha sa mga mata

Mahirap na ibigkas ang mga salita
Salitang nagpaluha sa mga mata
Salitang nagpa walang pag asa
Salitang ILY kaya tayo ay Umasa

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon