Dapat pala.

9 2 0
                                    

Nung sinabi kong hindi na kita mahal kahit mahal na mahal kita
Nung sinabi kong di na kita kailangan pero kailangan pa talaga kita
Nung sinabi kong bibitaw na ako kahit gusto pa kitang ipaglaban
Nung sinabi kong kaya kong mawala ka pero nasaktan talaga ako

Nung nawala ka. Nagsisi ako kung bakit di ko ipaglaban yung taong hindi pa bumibitaw
Nung sumaya ka na. Nanghinayang ako kase dapat ako yung nagpapangiti sa iyo
Nung may iba kanang minahal. Nagsisi ako dahil ako pa rin sana yung minamahal mo.
Nanghinayang ako sa mga panahong pupwede pa natin pahabain ang pag iibigan hindi talaga itinadhana.

Dapat pala sinulit ko nalang ang mga panahong nakasama kita dahil kung alam ko lang na lilisan ka rin sa piling ko
Dapat pala hindi nalang ako sumuko kung talagang mahal kita
Dapat pala hindi nalang ako bumitaw kung magsisisi rin naman pala ako sa huli
Dapat pala ipinag laban pa kita. Hindi sana ako nasasaktan pag masaya kayong dalawa.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon