Mahirap itangging mahal kita
Pero itatanggi ko bang masakit na
Lalo na pag naiisip na masaya ka na sa iba
Ako pa ba ang kailangan mo? O nahanap mo na sa kaniya?Madali lang tanggapin pero mahirap itago
Kung araw araw nakikita ang sakit ko
Paano ikikimkim na ayos lang ang lahat
Kung ramdam ko nang hindi na ako?Madali lang ngumiti pero ang hirap sumaya
Gusto kong makalimot pero mahal pa rin kita
Paano ba lilisan ang sakit na nadarama
Kung araw-araw kong nasisilayang masaya ka na talaga sa kaniya.