Pinili kitang pakawalan kahit alam kong mahal pa kita
Pinipilit kong sumaya kapag nakikita kong may bago na sa iyong nagpapasaya
Kasalanan ko bang pinili kitang bitawan sapagkat alam ko kung saan ka tunay na sasaya
Hindi ko ito gusto pero ayoko maging makasarili kaya ginawa ko nalang kahit masakit talagaPinili kong bumitaw dahil ayaw kong makita na ikaw ay masaktan
Dahil kung mahal ko talaga bakit yung kasiyahan mo ay nanaisin kong hadlangan
Nag paraya ako sapagkat alam kong hindi ako ang mananalo sa puso mo
Bumitaw nalang ako sapagkat alam kong nasa iba na ang pagmamahal moMalamig ka na at hindi na tulad ng dating masaya pag kasama ako
Hindi mo ba napagisipan sabihin sa akin ang totoo
Na hindi na talaga ako ang mahal mo,na hindi na ako ang hanap ng iyong puso
Sumuko nalang ako at hinayaan dumating ang magpapasaya ng tunay sa iyo