Para tayong mga anino na kahit kailan hindi umiimik
Hindi kumikilos kapag hindi nais,nanatili lamang sa iisang gilid.
Parang naiwan na lamang sa isang madilim na silid
Hinihintay ang kasiyahan na muling magbalik.Walang mga saya sa bawat ngiti,nalulunod sa luha ang mga mata
Hinahanap ang matagal nang nawawalang halaga
Kahit alam kong kaya ko,pero sinusuko ko na lang talaga
Kahit naman matapos ko ito ay wala namang magagalak at matutuwa.Ako ay mistulang tao na nakaposas sa mga luha
Ang pupwede lang gawin ay masaktan at huminga
Pero kung papipiliin ay mas nanaiisin ko nang isuko na
Dahil sawang sawa na ako sa sitwasyon at ayoko na ring lumaban pa.