Hangganan.

3 0 0
                                    

Kahit isang mahigpit na yakap para mapabaon
Para sa puso kong iiwanan mo ngayon
Kahit isang halik nalang sa aking noo
Para pag tumagal hindi ako manabik sa iyo
Kahit paalam man lang ang iwanan mo
Para malaman at matanggap kong wala na tayo
Kahit isang larawan para may titignan ako
Upang malagyan ng saya ang mga ngiti sa labi ko
Dahil kahit tuluyan ka na talagang lilisan
Ipaalam mo na sa akin para hindi na ako sobrang masaktan

Sa sandaling nagkasama tayong dalawa
Madami kang binigay na masasayang mga alaala
Lalo na sa mga litratong atin ngang nakunan
Iisa ang mga yon sa kahit kailan hindi ko makakalimutan
At kahit hindi natin natupad ang mga pangako natin sa isa't isa
Pero atlis alam ko naman na binigyan mo ako ng halaga
Dahil kahit anong pilit natin ay wala na tayong magagawa pa
Tatanggapin ko na lang na hindi tayo itinadhana talaga
Kahit hindi man tayo hanggang sa dulo
Sana sumaya na sa iba ang puso mo.

Kaya ko bang wala ka? Dahil pag nahihirapan ako nandito ka
Kaya ko bang patahanin ang pag luba ng aking mga mata
Siguro nga may mga dahilan lahat ng ito,kaya hindi ka na masaya
Dahil habang buhay hindi tayo ang magkakasama
Dahil may hangganan lahat ng aking ikinasasaya
Pero kaya ko bang maiwan dito mag-isa?
Pero kaya ko rin bang sumaya?
Dahil ibang iba na lahat ng inaakala ko
Na tayo hanggang sa dulo
Pero anong magagawa ko kung wala ka na sa piling ko.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon