doon ka na.

12 0 0
                                    

Siya ang pinili mo, hindi ako
Siya ang nanalo, hindi ako
Siya  ang minahal mo , umasa lang naman ako
Siya  ang karapat dapat para sayo, hindi ako
Siya ang kailangan mo ,nag akala lang naman ako
Na mayroong tayo,pero wala naman talaga
Na mahal mo ako,pero kaibigan lang talaga.
Sadyang tanga lang ba? Ang umasa na may tayong dalawa.
Sadyang mahirap bang maging kabanata mo at inihanda mo na ang libro sa kaniya
Sadyang masakit ba ang maghintay ng taong may hinihintay na ring iba
Sadya bang masakit na mahalin ka,na hintayin ka,na intindihin ka
Pero wala ka nga palang sinabi na mahalin kita
Wala ka ring sinabi na hintayin kita
Pero bakit mo pa pinadama
Sa akin na mahal mo ako tapos mang iiwan ka rin pala.
Bakit mo pa pinadama mo na mahalaga ako
Kung pansamantala lang naman ang tingin mo
Bakit mo pa pinadama na kailangan mo ako
Kung magiging mas kailangan mo naman siya
Bakit mo pa pinadama na kaya mo akong mahalin
Pero hindi naman pala talaga.
pero bakit siya ang pinili mo?
bakit hindi nalang ako?
pero bakit siya ang minahak mo?
kahit matagal na naman akong nandito
bakit ba kasi siya, hindi ba pwedeng ako.
mas mahalaga ba siya?
mas kailangan mo ba siya?
mas mahal mo na ba siya?
bakit ba hindi nalang ako yung pinahalagan mo
bakit ba hindi nalang ako yung kinailangan mo
bakit hindi nalang ako ung minahal mo?
kahit ang tagal ko nang nandito, naghihintay sayo
Hindi pa rin ako yung pinili mo
Nadaya ba ako ng tadhana?
O sadyang di mo lang kayang mahalin ang tulad ko
sabihin mo. Para di na ako umasang kaya mo akong pillin
Kaya mo ba?
Alam kong hinde dahil alam kong mahal mo siya
Pero ang daya lang kasi dahil angtagal ko nang nandito bakit siya pa.

Mas pinipili ba talaga ang nagpapangiti kesa sa naghihintay
Mas pinipili ba talaga ang mas bagay kesa sa nagmamahal
Bakit nga ba kasi siya yung pinili mo hindi ako?
Bakit mas pinipili ang nagloloko kesa sa nagseseryoso
Bakit siya pa ang napili mo sa aming dalawa
Napapasaya naman kita ah
Napapangiti rin naman kita ah
Napapatawa rin naman kita ah
Dati.
Dati,noong hindi pa malabo kung ano ba talaga tayo
Dati,noong minamahal mo pa ako
Dati,noong pinapahalagahan mo ako
Dati,noong pinipili mo pa ako kesa sa bago mong mundo

Nangako ka diba?
Na hindi ka mang iiwan
Na hindi mo ako hahayaang masaktan
Na hindi mo iiwan ang mga mata kong luhaan
Nakalimutan mo na lang ba kaagad
Yung mga binigkas at mga pinangako mo
Nakalimutan mo na lang ba kaagad
Na sabi mo tayo hanggang dulo
Wala ka namang sinasabi sa akin
Eto na ba ang ating dulo?
Eto na ba ang tuldok sa kabanata na akala ko hahaba pa
Eto na ba ang katapusan ng nararamdaman mo para sa akin?
Eto na ba yung lahat?
Eto na ba talaga?

Siya ang pinili mo,dahil kahit kailan di mo naman naisipan na piliin ako
Siya ang nanalo, dahil wala naman talagang pag asa na mananalo ako
Siya ang minahal mo, dahil hindi mo naman talaga ako minahal
Siya ang karapat dapat para sayo, dahil di mo naman mahahanap ang saya sa piling ko
Siya ang kailangan mo, alam ko
Dahil yung mga motibo
Dahil yung mga pangako
Dahil yung mga salita
Dahil yung pag asa na makamtan ka
Hindi naman talaga magkakatotoo
Kasalanan ko nalang kasi sineryoso kk
Kasalanan ko nalang dahil nagpadala ako
Kasalanan ko nalang dahil nahulog ako sayo
Kasalanan ko nalang dahil napamahal ako kahit
Kasalanan ko nalang dahil minahal talaga kita
Kasalanan ko nalang dahil naging totoo ako
Naging totoo sayo.
Pero binalewala mo ako. Wala ka nang pake sa mga nararamdaman ko dahil ang nais mo lang ay magkaroon ng ngiti sa labi mo
Hindi mo ako naisip.
Kahit kailan hindi pumasok sa isip mo na nasasaktan mo na ako
Ang lamig na natin pero bakit ang saya mo pa rin?
Lumuluha na ako pero bakit nakakayanan mo pa ring ngumiti
Nasasaktan na ako pero parang gusto mo pang ituloy ang pag sugat nito
Na iitsepwera na ako dahil siya lang yung pinapansin mo
Na iitsepwera na ako dahil siya na yung mahal mo
Kasalanan ko nga palang mahulog sa mga motibo
Madali lang kasi talagang magbigay ng motibo
Pero mahirap lang talagang panindigan yung mga sinimulan mo

Duon kana.
Kung saan ka masaya
Duon kana
Kung saan mo mahahanap ang pagmamahal na hinahangad mo
Duon kana
Kung saan mas ngingiti ang labi mo
Duon kana
Sa totoong mahal mo
Duon kana
Sa totoong nagpapasaya sayo
Duon kana
Wala na talaga akong magagawa kung gusto mo duon at hindi sa akin
Hindi ko kayang pigilan ang puso mo
Hindi ko kayang hadlangan ang mga ninanais mo
Kaya duon ka na
Duon kana
Sa hindi magpapahirap sayo
Duon kana
Sa kayang ibigay ang lahat sayo
Duon kana
Sa kayang higitan ang pagmamahal na pinaparamdam ko
Duon kana,sa taong mas gusto mo
Sa taong mas karapat dapat sayo
Duon kana sa kaniya
Hindi sa piling ko kundi sa kaniya
Handa na naman na akong masaktan
Dahil sa kabanata namang ito wala akong naramadaman kung hindi yung mga sakit,pait at panlalait
Na mas pinili mo pa talaga siya
Kesa sa akin na matagal nang nagmamahal sayo
Duon kana.
Dahil walang pupuntahan ito kung patuloy pa nating ilalaban
Pareho pareho lang tayong masasaktan
Sa mga pinag gagawa natin
Sa mga paguusap natin na malamig na hindi na kayang painitin
Sa atin na hindi na maibabalik yung dating tamis
Sainyo na gustong gusto niyo ang dalawa pero nakahadlang ako sainyo
Para saan pa para ituloy at ipaglaban ang pagmamahalang matagal na talagang talo.
Duon kana.
Sa kaniya
Duon kana
Mahal mo talaga siya
Duon kana
Handa na akong maiwanang mag isa
Duon kana
Mas sasaya ka
Duon kana
Mas karapat dapat siya
Duon kana
Dahil nasasaktan mo lang naman ako
Duon kana
Dahil mas bagay naman talaga kayo.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon