Nakalipas

2 0 0
                                    

Pinili kong lumisan para sa ikakabuti ng puso mo
Pinili ko ang kaligayahan mo kaya pinili kong sumuko
Nasaktan ka ng panandalian pero alam kong sasaya ka naman ulit
At kahit kailan hindi na mararamdaman yung napadama ko sayong sakit.

Pinili kitang saktan para mahanap mo ang tunay na magmamahal sayo
Kahit labag namam sa kalooban ko pero kailangan kong lumayo
Pilit kong kinakalimutan lahat ng alaala na ikaw ang kasama
Dahil nagpaalam na ako at wala nang babalikan pa

Salamat dahil nahanap mo na ang tunay na saya kahit hindi na tayo
Salamat at nakita kong muli ang ngiti mo kahit ang dahilan ay hindi na ako
Paalam sa lahat dahil pilit ko na talagang kakalimutan
Paalam sa nakalipas nating pagmamahalan.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon