Nung araw na lumisan ka,binasa ko yung mga liham na sinulat mo
At patuloy ang pag patak ng luha nung tinignan ko yung masayang litrato
Nakuhaan kasi yung ngiti natin
kahit may sugat na palang malalim
Inalala ko rin yung panahong ikaw ay akin at ako ay sayo
Di ko kasi inaakalang magkakaganito
Di ko inaasahan yung paalam mo
Di ko inaakalang sasambitin mo yung nawawala na
Yung masasaktan at masasaktan lang kita
Pero ano ba talaga yung magagawa ko kung di ka na masaya
Bakit ko ilalaban kung di mo na kaya
Walang silbe yung pagmamahal ko kung sadyang sasaya ka sa iba.Yung mga oras na wala ka,akala ko kaya kong sumaya,makalimutan ka pero eto ako patuloy na nasasaktan sa mga alaala
Alaala kung paano nagsimula
Alaala kung saan nagkamali pero di nagawang maitama
Paano mo ba kasing nakayanan na wala ako
habang ako ay nanabik sa mga yakap mo,
habang pilit na nilalanggasan ang mga sugat pero sadyang maraming nakabaon
Bubog mula sa alaala ng kahapon na mas napapadugo ng mga litrato,
Nasasaktan sa kahapong nandito ka pa kasama ko na may ngiti hindi katulad nang mga ngiti mo ngayon na kasama mo na dinidiin na wala ka na
Mas pinapasaya ka niya mas pinahalagahan ka niya kesa dati na nasasaktan at nasasaktan lamang kita.Pero sino ba talaga ang nanakit at nasasaktan sa ating dalawa
Ako ba? O Ikaw ba? Ang unang nagbitaw ng katagang nakakapagod na
Ako ba? O Ikaw ba? Ang unang nagparamdam sa atin na hindi na mahalaga
Ako ba? O Ikaw ba? Ang sumuko talaga
Dahil sa panahong gulong gulo ako,wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan mo
Oo. Ako ang sumuko
Oo. Ako ang bumitaw
Kahit mahal pa kita non
Kahit ayaw pa ng puso ko yon
Kahit alam ko na ang mangyayari sa akin ngayon
Umaasa.Bakit ba hindi ka matanggal sa aking isipan
Pilit na kinalimutan ang mga alaalang di na dapat binabalikan
Pintuang di dapat binubuksan pero eto pinipiling masaktan
Kahit ayaw ko nang masaktan
Hinihintay ka pa rin
Nananabik pa rin
Nagmamahal pa rin
Lumuluha pa rin
Nanghihinayang pa rin
Dahil sa pagkakataong di ko kayang tanggalin sa akin isipan
Nasasaktan at patuloy nasasaktanBakit ba hindi ko kayang malimutan ang iyong mga sinabi mga alaala kahit patuloy nitong sinusugatan ang puso ko
Patuloy pa rin ako sa pag aalala sayo
Bakit hindi ko kayang langgasin yung mga sugat dito
Kasalanan ko bang pabayaan kahit lumalalim bawat minuto
Ang mga sugat na iniwan mo dito
Kasalanan ko bang hindi mapunasan
Ang mga luha sa mata ko
Dahil yung liham na isinulat mo ang nagpapasabik sa akin sayo
Na kung ako ba yung inaalayan mo ng mga salita
Kung ako ba yung sinasambitan mo na mahal kita
Dahil yung mga litrato na basehan kung gaano mo ako kamahal
Ang nagpapatunay na wala ka na pala.Bakit binabasa ko pa rin yung mga liham na sinulat mo
Kahit alam ko naman na dinudurog lamang ako nito
Bakit ko pa ba tinigtignan ang mga litrato nating dalawa
Kahit alam ko na di ka na babalik pa
Kaya pa bang humilom nang sugat nang hindi nga kayang makalimot
Sa kahapong di na dapat binabalikan pa
Gaya mong di na bumalik sa akin diba
Pero nandito pa rin na nagpalakatanga umaasang babalik ka sinta
Kaya nandito pa rin ako
Patuloy na nasusugatan
Patuloy na nadudurog
Patuloy na lumuluha
Patuloy at patuloy na patuloy nang umaasa
Umaasang baka sakaling bumalik ka.Pero bakit patuloy pa rin akong umaasa
Bakit pa ako umaasang bumalik ka
Bakit ba hindi ko kayang sumaya
Bakit hindi ko talaga alam kung sino ang may kasalanan sa ating dalawa
Ako ba talaga?
Ikaw ba talaga?
Bakit di ko kayang tanggalin ka sa aking isipan
Bakit ba hindi ko kayang makalimutan ang lahat ng mga ito
Kelan ko ba talaga masasagot ang mga katanungan sa isipan ko
Kelan ka ba talaga mawawala sa puso ko
At hindi ko napapansin na nasasaktan ako
Kahit pilit kong tinatago ang kalungkutan sa ngiti ko
Kahit nagsisinungaling ako na masaya na ako
Hindi pa.
Hindi pa ako nakakalimot sa alaala
Hindi pa rin ako tumitigil sa pag asang babalik ka
Hindi ko pa rin nahanap ang mga kasagutan
Hindi ka pa rin nawawala sa aking isipan
At inaaming kong hindi ko pa rin kayang sumayaPwede bang hindi na kita mahalin
Pwede ba hindi na ikaw ang piliin ng puso ko
Dahil nahihirapan lang naman ako
Sa sitwasyong pinili kita pero kaya mo bang piliin ako
Pwede bang sabihin mo sa akin kung paano ka sumaya
Kung paano mo nakayanang wala ako
Paano ba ulit nagkaroon ng ngiti sa labi mo
Paano ba talaga yan?
Paano ba maisasara ang pintuan ang kahapon at buksan ang ngayon
Paano mo nakalimutan ang lahat
at ako dito ay nilulubog na nito sa sakit
Paano mo ba ako hindi na minahal
Kahit ako dito minamahal ka pa ren
Kahit masakit
Kahit walang kasiguraduhan
Nagmahahal pa rin ako minamahal pa rin kita
Kahit sinabi mong ayaw mo na
Mahal pa rin kita
Kahit sinabi mong masasaktan mo lang ako
Mahal pa rin kita
Kahit hindi mo ma ako pinapansin
Minamahal pa rin kita
Lagi naman akong nagpapakatanga
Desperadong bumalik ka
Matatanggap ko pa ba?
Na hindi mo na kayang sumaya sa piling koBakit nakilala pa kasi kita kung mawawala ka rin pala
Bakit minahal pa kita kung mag mamahal ka din pala ng iba
Bakit kumakapit pa ako kung bumitaw ka na
Paanong masaya ka na pero ako lumuluha pa rin ang mga mata
Kahit sinabi ko naman na
Ayaw ko nang masaktan
Ayaw ko nang magpakatanga
Ayaw ko nang isipin ka
Ayaw ko nang alalahanin ang matagal nang tapos
Ayaw ko nang hanapin ang pag ibig na ubos
Ayaw ko nang mahalin ka
Pwede bang bumalik sa umpisa?
Yung hindi nagkakilala
Hindi nagkamustahan
Hindi ka nagustuhan
Hindi na nasaktan
Hindi na nagkasukuan
Walang bibitawan
Walang kakalimutan
Walang panghahawakan na pangako
Dahil umaasa pa'ko.