Yung nagbuo ang pangako niyo sa isat isa
ang siyang mag dudurog nito para siya ay sumaya
Dahil hindi lahat ng tao kayang panindigan ang pangako
Dahil hindi nila kayang kontrolin ang kani kanilang pusoMaaring mapigilan pero walang magagawa kung nakatadhana talaga
Wala ka talagang magagawa kundi tanggapin ang sakit na madadama
Wala kang magagawa kundi tanggapin ang pagkakataong masisilayan mo
Na masaya na yung dating pinapasaya mo
Sa piling nang akala mo tutulong sayo na mapatagal yung pagmamahalang binuo mo.Wala ka talagang magagawa para pigilan ang pagluha ng mata mo
Wala ka talagang magagawa para hindi manabik sa mga yakap at paguusap
Wala ka talagang magagawa para hindi siya tignan,para hindi umasang baka mapunta pa sayo yung pagmamahal niya.
Wala ka talagang magagawa dahil yung binigkas niyang mahal kita ngayon ay di na para sa'yo.