Pwede ngang napasaya talaga kita
Pwede ngang minahal talaga kita
Pero sapat ba yon para maramdaman mo
Pero sapat nga ba talaga yon upang manatili ka.Sabihin na nating lumaban naman ako
Pero ang tanong ay ipaglalaban mo rin ba ako
Sabihin na nating kumapit naman ako
Pero ramdam kong hindi na kasi akoMasisisi ba mo ba ako dahil sa mga pinaramdam mo
Na hindi na ako mahalaga, na hindi na ako yung mahal mo
At masisisi mo ba ako dahil lang sa sumuko ako sayo
Dahil parang ikaw yung unang bumitaw sa higpit ng kapit ng kamay ko.