Para Saan Pa

18 4 0
                                    

Para saan pa

Para saan pa ba na mahalin kita
Kung yung malungkot mong ngiti napasaya na niya
Yung puso mong nabiyak binuo na
Kung ang tadhana na ang nagharang sa ating dalawa.

Para saan pa bang dugtungan ang yugtong nakaligtaan
Kung tinuldukan mo na at bagong yugto ay sinimulan
Na hindi na ako ang kapiling kundi siya na
Dahil alam naman nang tadhana kung saan ka sasaya.




UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon