Bago ka magpaalam pwede bang iparamdam mo muna sa akin mahal mo ako
Dahil mas nasasaktan ako habang nandito ka pero di ko nararamdaman kung tunay ba ang pag ibig mo
Mas lumuluha ako nung mahal mo lang ako pero di ko nararamdaman kung totoo ba talaga uto
Mas lumalalim ang sugat kung mag papaalam ka ng parang wala akong ginawa na tumatak sa isipan moBago ka magpaalam pwede bang yakapin mo muna ang nasasaktan
Na kapag nilalamig ang pusong sugatan meron itong alaalang binabalik balikan
Alaalang babalik kahit masakit sa kaniyang isipan
Na niyakap siya nang babaeng minahal niya bago ito tuluyang lumisanKaya bago ka magpaalam sana minahal mo ako
Bago ka magpaalam pinahalagahan mo ako
Dahil ang luhang papatak ay magiging kalakasan ko
Kalakasan ko nung lumisan ka sa piling ko