Masaya naman yung storya ko dati
Lalo na pag iniisip ka palagi
Marami akong nasusulat,mabilis kong madugtungan
Yung kabanatang ikaw na ikaw ang nilalamanPero parang unti-unting nababalot ng kalungkutan
Di ko alam kung paano masusulusyunan
Kung paano itutuloy ang pangalawang kabanata
Yung paksa kasi nawala naPaano ba pag yung nilalaman yung lumisan
Paano lalagyan nang kahit kaunting kasiyahan
Paano pag yung nagpapasaya sa taga sulat yung nawala
Paano madudugtungan kung padi yung una nasira.