palayain ang gapos

33 2 0
                                    

Kung nasayang ko man ang pagkakataong makasama ka
Sana di niya sayangin ang pagkakataong mahalin ka
Dahil ayokong masilayan na lumuluha nanaman ang mga mata
Kahit hindi na ako ang dahilan,sana patuloy ka pa ring sumaya

Dahil wala na akong nakitang dahilan para kumapit
Dahil nasasaktan at nasasaktan lang naman talaga kita
Kung papatagalin ko ay baka madurog ka na
Kaya pinili ko nalang talaga na palayain ka

Labag man sa kalooban,wala na akong magagawa
Hindi ko man kayang makita na umalis ka
Ayoko mang bumitaw ka
Mahal kita kaya tama lang na palayain ka.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon