masama bang magpakaimportante?

17 2 0
                                    

Mali bang isipin naman ang iyong sarili? Masama bang maituturing ang magpakaimportante.
Kung alam mo namang wala kanang halaga.
Paano naman kase malalaman ng isang tao ang halaga mo kung nandiyan ka pa.
Subukan mo kayang mawala.

Pero parang mali naman ata na mawala ka
Paano naman kapag nanabik siya?
Sa mga yakap mo at dun ka nawala
At yung kulang sayo biglang nahanap sa iba

Baka akala mo siya lang yung may mali dito pwes nagkakamali ka
Baka nung kailangan ka niya dun ka nawala
At nung bumalik ka,may nagpaparamdaman na sa kaniya na importante siya
Unawain mo naman kase yung nararamdaman niya

Pero bakit? Parang mali?
Kung iniintindi mo naman siya lagi
Yung lagi mong inuunawa pero siya ba kaya kang pakinggan?
Hindi lang siya ang may problema yun ang kailangan niyang maintindihan

Kaya kung mang iwan man siya
Pinatuyan lang niya na ang pag ibig niya ay pansamantala
Pero inintindi mo naman na pagod na siya at pagod na pagod na
Pero ikaw rin naman diba?
Nahihirapan kana pero hindi ka naman bumitaw

Baka naman yung mga mga sinasabe niya di mo talaga naintindihan
Baka naman sa mga ginagawa mo unti unti mo pa rin siyang sinasaktan
Nasasakal pero naisip mo na bang pakawalan?
Baka pinipilit mo siya kumapit kahit gusto na niyang bumitaw

Baka pinipilit mo siyang mahalin ka kahit may mahal na siyang iba
Pinapalaban mo pa siya kahit sukong suko na siya
Nasasaktan rin siya at nasasaktan ka rin niya
Pero sana wag mo naman sa kaniya ipagkait kung saan talaga siya sasaya.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon