Hindi pa ako bumibitaw pero sumuko kana
Sabi mo babalik ka pero salita lang naman pala
Para maging dahilan upang umasa ako na babalik ka
Pero hanggang panaginip nalang naman pala lahat ng pangako mo.Bakit pinasanay mo pa kasi ako na palagi kang nandito
Paano ko magagawang umahon pag wala na yung taong kailangan ko
Pag wala na yung taong na nangakong laging nasa tabi ko
Dahil kahit isang saglit lang na nawala ka ay nasasaktan na ako.Tapos na tayo. Salamat sa alaala. Sana maging masaya ka
Pero paano kung yung dahilan ng ngiti ko ay ang mawawala
Paalam nalang ba ang salita habang binitawan ang aking kamay at aasang makakalimutan ka
Pero hindi ko pa rin nagagawa sapagkat ang nagpaalam ang dahilan kung bakit ako may masayang alaala.