1 1 0
                                    

Ginawa kong paksa, dahil para sa aking gagawing tula
Para lang mailahad ang tunay kong nadarama
Pero yung ginawa kong paksa,parang gusto nang kumawala
Ginawa ko naman na ang lahat,pero hindi na talaga siya masaya

Inalayan ko nang tula,ang sinisigaw ng puso ko
Pero tila bang nanlalamig na parang meron ng bago
Nawalan na ng pakialam na parang mayroon na ng iba
Lumalaban naman ako pero kaya ko pa ba?

Pilit ko talagang nilalaban dahil mahal ko nga
Pero ako kaya? Mahal pa kaya talaga niya
Yung ginawa kong paksa,para sa gagawin kong tula
Pero tungkol na kaya saan? Kung hindi na maaring ilahad ang nadarama.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon