I
Magsimula sa numero pang isa
Kung saan nalaman kong ayaw mo na
At aking kamay bibitawan mo pa
Pagkatapos susunod ang pangalawaII
Na tuluyan ka nang lalayo sa piling ko
at kahit anong takbong gawin ng paang ito
Hindi na babalik ang pag ibig mo
Sumusunod ang pangatloIII
Sa lahat ng ginawang takbo o lakad
Lahat iyon ay di pa rin sapat
Habulin ba kita ang nararapat
Lumalala ang sugat ito na ang pang apatIV
Kahit anong limot mahal pa din kita
Tuloy-tuloy lumuluha ang mata
Babalik ka pa ba sa akin sinta
Lumalapit ito na ang pang limaV
Sa puso mo ano ang iyong tinanim
Bakit bigla kang naging sakim
Pinahalagahan naman kita nung puso mo'y akin
Lumalalim ang sugat sa pang animVI
Nagdurugo pa rin ang puso ko
Lumuluha ang mata kahit anong punas ko dito
Pilit man limutin ang mukha mo
Mas sumasakit sa numerong pang pitoVII
Maraming winalang litrato
Pag ibig tila walang pinag bago
Ikaw pa rin talaga ang laman ng puso ko
Lumuluha sa pang waloVIII
Natapos na ang ilang buwan
Naghihintay pa rin ng katok sa pintuan
Lumalala ang sugat nang di mo alam
Malapit na matapos ito na ang pang siyamIX
Lahat ng alaala,mukha mo nakatatak sa isipan ko
Di malimutan lahat ng yakap padi paalam mo
Pero kahit sugatan na ang pusong ito
Umaasa pa rin, eto na ang pang sampuX
Sampung bilang wala ka na
Isa dating tula nagkatotoo na
Sampung numero ang gamit ko sa tulang ito
Ito ang simula at katapusan ng pagasa ko sayo.