Nanlamig ka kahit hindi ko alam kung anong nangyari
Nagbago ka sapagkat hindi ka na tulad ng dati
Na palaging nakangiti kapag ako ay nakikita
Na palaging masaya kapag ako ang iyong kasamaMay bago na bang nagpapasaya sayo? Nahigitan ba lahat ng nagawa ko?
Sabihin mo na kaagad dahil nagsasawa na rin akong makipaglaro sayo
Hindi ko kayang maging manhid kahit nasasaktan na talaga ako
Kaya sana wag mo nalang patagalin kung hindi rin pala totoo yung nararamdaman moMahal kita pero ramdam kong iba na yung sinisigaw ng puso mo
Mahal kita pero nararamdaman kong yung pag ibig mo sa aken ay hindi na totoo
May magagawa pa ba akong iba kundi palayain ka?
Dahil hindi ko mahahadlangan yung pagkakataon mong sumaya.