Kailangan may bumitaw para lang merong sumaya
Kailangan may masaktan dahil may gusto nang lumaya
Kailangan talagang tanggapin kahit alam naman natin na hindi talaga kaya
Kailangang sumuko sapagkat hindi kayo ang tinadhana para sa isa't isaHanda dapat ang isa na bumitaw para sa ikakasaya ng isa
Dahil kung gusto mo siyang sumaya dapat handa ka magparaya
Dahil hindi lang ikaw ang pwedeng maglagay ng ngiti sa labi niya
Magiging makasarili ka ba na ipagkait lahat ng kasiyahang dapat talaga niyang matamasaKaya mo bang makita ang mga ngiti na hindi na ikaw yung dahilan
Yung hindi na ikaw yung nagpapasaya at hindi ka na rin kailangan
Wala ka na talagang magagawa kundi tanggapin at masaktan
Dahil yan ang desisyong kailangan mo talagang panindigan.