yelo

9 2 0
                                    

Ang lahat ay nagsisinungaling, ang lahat ay naglalaho
Ang lahat ay lumilisan, ang lahat ay sumusuko
Pero pinili nga nilang lumisan pero ginusto ba nila ang lahat ng ito
Pero inisip mo rin ba yung pagkakamaling ginawa mo

Siguro pinilit pa naman niyang maitama ang nararamdaman
Pero baka paulit-ulit mo siyang nasasaktan
Puro nakakasakit nalang na bagay ang iyong nabibigay
Na imbes na kasiyahang pinangako mong ialay

Nasasaktan kana sa pagsugal mo na baka mahalin ka ulit niya
Pero isuko mo na kung nasasakal na kayong dalawa
Baka kasi di lang niya masabi na may mahal na siyang iba
Kaya sana wag kanang umasang ipaglalaban niya ang pagmamahalang nasira na.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon