Paano ko sasabihin kung nasaktan ko na siya
Para kasi akong robot na walang baterya
Di masabi ang salita para sa kaniya
Na kahit na paglapit lumalayo aking dalawang paaPara siyang anghel hindi kayang lapitan
at ako naman ito tao katulad ng karamihan
Patuloy na Nasasaktan, mata'y luhaan
Umaasang naghihintay ng pag asa sa gitna ng kawalanBibig magsalita ka sa kaniyang harapan
Bat nasasabi mo ang lahat kapag kausap ang tala't buwan
Kahit simpleng patawad dahil puso niya sinugatan
At salamat sa alaalang di malilimutan.