🌼

8 2 0
                                    

Ngumiti lang naman ako kahit na alam kong hindi ko kaya
Kahit hindi talaga totoo dahil gusto ko lang talaga sumaya
Pero paano nga ba kung ikaw pa rin talaga
At hindi ko talaga kayang makalimutan ka

Sinabi ko lang naman na kaya ko na wala ka
Para lang malaman mo na hindi na kita kailangan pa
Pero nahihirapan pa rin ang puso ko kapag hinahanap ka
Nasasaktan pa rin ang puso ko kapag binabalikan ko yung mga alaala

Sinabi ko lang naman na hindi na kita mahal para lang lumayo ka
Alam ko namang ako yung may kasalanan kung bakit ako nasasaktan
Dahil ako lang naman ang dahilan kung bakit ka nawala
Ako lang ang naging dahilan mo kung bakit ka lumisan.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon