Wala na yung tamis katulad nang dati,wala na yung dati kong nararamdaman pag kausap kita
Meron bang nag iba? Meron na bang bago? Sino ba ang may kulang? Ipaglalaban pa ba kita?
Napapansin kong hindi na talaga ikaw ang sinisigaw ng puso ko
Dahil hindi ko alam kung totoo bang may pinaglalaban ako.Meron pa ba? Nagkaroon nga ba? Parang hindi naman talaga,parang mahal mo ako pero nakatuon yung atensyon mo sa iba
Paano ako? Paano yung nararamdaman ko? Iisipin ko nalang ba palagi yung nararamdaman mo o kung ano dapat yung tama para sayo
Paano tayo? Hindi na nga ba maayos ito? Sandaling nagkakiligan pero parang ang tagal nagkalabuan
Ano nga ba tayo? Meron nga bang tayo? Dahil parang kaibigan mo lang ako pero lagi mo akong kailangan maging sandalanAyoko maging pansamantala,ayoko maging tanga pero anong ginagawa ko ngayon? Nagiging bobo sa isang laban na hindi ako kahit kelan mananalo.
Pakisabi nalang yung totoo,ayokong masaktan,ayokong umasa sa wala,sabihin mo kung gusto mo ako o hanggang kaibigan lang talaga tayo.
Nanlamig na yung dating nagbabaga,bumitaw na yung dating nakahawak pero nandito pa rin ako naghihintay bumalik yung nakasanayan ko.
Ayoko nang ganito,pero kinikimkim ko nalang dito kahit na masakit,kahit na nakakadurog dahil baka pag durog na durog na ako ay bumalik na yung pagmamahal mo.