Dahil Sayo Lalayo na ako

16 3 0
                                    

DAHIL SAYO LALAYO NA AKO

Lalayo na ako sayo
Pag ibig ko sayo ay maglalaho
Ibabaon ang alaala mula sayo
At di na uukayin para balikan ito

Tatabunan ng bagong alaala
Upang ang nakaraan ay di na balikan pa
Mga sakit na naramdaman nung umamin ka sa iba
Mga pait na dinanas ko para lang mapasaakin ka

Biglang nalaman kong may mahal kang iba
Na tila tinalikuran na lang pag ibig sa dalaga
Hindi mo masagot ang tanong na Pampalipas oras mo lang ba ako talaga
Pati ang tanong na minamahal mo ako talaga?

Dahil ayaw ko magmukang Tanga
Na sa tuwing naglalakad tayo'y ayaw mong hawakan ang aking kamay
At tuwing pauwi na tayo ayaw mo tayo ay magkasabay
Pati sa pag tulog bakit ka humihiwalay?

Sa panaginip ang damdamin mo sa akin mas malamig pa sa patay
Na tila ang ating relasyon ay wala ng buhay
Isipan at damdamin walang kulay
Nababalutan ang buhay ng lumbay

Lalayo na ako para di na masaktan
Lilisan kahit sugatan at luhaan
Gulong gulo ang isipam
Hindi na ngayon maintindihan

Bakit tinuloy niya sa iba ang aming pagmamahalan
Ako naman ang nauna sa yo kaso di mo ako pinahalagaan
Pag ibig mo sa akin walang kahulugan
Kaya ngayon ako'y lilisan

Upang maintindihan ang nararamdaman
Para sayo ako ko ngayoy Mamaalam at Masasaktan
Kalilimutan ang nakaraan, na balot ng kalungkutan
Tatanggalin ka sa aking isipan
Lalayo sa'yo ng walang hanggan
At di na muling masasaktan

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon