Sumuko ka Ipaglalaban pa kita
Ayaw ko'na Suko na ako,masakit na.
Bakit? Yung pinangakuan ko noon pinangakuan na din ng iba
Yung mahal ko,may mahal ng iba
Yung kinakapitan ko,kumapit pala sa ibaMahirap pala ipagsiksikan ang sarili ko sa kaniya
Na alam ko naman na iba na talaga ang mundo niya
Parang bituin nalang ako na parang laging sumusunod sa kaniya
Pero karamihan ng bituin na nakikita mo naiiwan ring nag iisaLahat ng tali na pwede mo kapitan pwede ring mapatid yan
Pero di nga kami bagay pero bakit ang pag-ibig ay natuldukan?
Siguro ang puso ko habang buhay nang nasa bilangguan
Ng mga tanong na hindi na mahahanap ang kasagutan