🌈

4 2 0
                                    

Hindi ka nga ba makakalimot sa dati
At magiging alipin ng isang pag-ibig na dinudulot ay sakit
Hindi ba kaya sumaya ng iyong mga ngiti
At hindi malalaman kung bakit nilisan at pinagpalit

Ang puso mo ay nasaktan na,pero dinudurog pa niya
Hindi ka na ba nadala? Pinipili mo pa ring sumugal kahit nasasaktan ka na
Ayaw mo bang kumawala? Sa mga kadena ng pag ibig na walang ginawa kundi sakalin ka
Matutong bumitaw pag hindi naman itinadhana

Hindi lang siya ang taong iibigin mo, at hindi lang siya ang iibig sayo
Hindi mo makukuha ang tao na hindi nakalaan sayo kahit anong pilit gawin mo
Kaya isa pa,mag isip isip ka na
Sadyang tanga ang puso mo sapagkat hindi mo alam na nasasaktan kana.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon