Tamang Tao sa Maling Pagkakataon (Tanga)

12 3 0
                                    

Inaamin ko nasaktan ako nung nalaman kung nahulog na siya sa iba
Inaamin ko rin na nasaktan ko siya at pilit na lumalayo pero ayaw ko siyang lumayo parang tanga diba
Pero eto sa maraming buwan patuloy umaasa
Gumagawa ng tula na siya ang nilalaman pero wala na talagang tiyansa

Na mahalin muli ako nang sinukuan at sinaktan ko nang husto
Mas masasaktan pala ako pag may bago na siyang gusto
May bago napalang nilalaman ang kaniyang puso
At mas susugatan ka pa habang nakikita mo na parang mas masaya siya

Na mas abot tenge ang ngiti niya
Pero sabi ko ayaw ko nang magpakatanga pero eto ako sobrang tanga
Na parang ayaw kong masaktan pero patuloy kong sinusugatan ang aking mga kamay hanggat sa mag dugo
Na natatakot akong di huminga pero patuloy na sinasakal ang leeg ko hanggang sa mawalan ng hininga
Na ayaw ko na sa kaniya pero ginugusto ko pa rin siya
Ganiyan ako Katanga

Para sa mga di naniniwala sa tamang tao maling pagkakataon
Mararanasan mo at magsisisi ka na parang gusto mong bumalik sa kahapon
Na mahal ka pa niya
Pero di na mababalik dahil sinayang mo siya

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon