Enero Bente Uno
Tanong na tumatak sa isipan ko
Para san ka pa kakapit kung ang mahal mo
Ay nakakapit at masaya na sa ibang taoDahil tama naman na kung kakapit ka pa sa taong sinukuan mo na
Masasaktan at masasaktan mo lang siya
At kung sinabi mo na siya pa rin ang iyong sinisinta
Mag isip ka kung masasaktan mo yung ngayon ang minamahal niyaPero ang pagkakamali ko ay sinabi kong may mahal na akong iba
Pero sa totoo siya pa rin ang laman ng puso ko at wala nang iba
Dahil mas mapapasaya siya ng nagmamahal sa kaniya
Kaya sumuko ako kahit masakit.