Pasensya na kung di ko kayang sabihin ito sayo
Matagal kong pinagisipan ang mga salitang sasabihin ko
Marahil nahihiya lamang at natatakot ako
Na baka maiba ang tingin mo sa akin pag nabanggit ko na ito
Maaring nasaktan at napaluha nga kita
Pero nakita mo naman na ang kapalit nito ay walang hanggang saya
Dahil alam ko kung saan ngingiti ang labi mong napalungkot ko
Dahil alam ko kung saan mo mararamadaman na mahalaga ka talagaHindi nga talaga sa akin kundi sakaniya
Ang pakiramdam na minamahal ka na pinahahalagahan ka
Pero di ko sinasabi na di kita minahal na di kita pinahalagahan
Ang sinasabi ko kung kanino mo mas mararamdaman.Pilit ko namang ipaglaban pero sadyang natalo lang talaga ako
At parang hindi naman talaga ako sapat para sayo
Patuloy at patuloy nalang akong umaasa
Dahil mahal pa rin kita pero wala akong magagawa sapagkat yung puso mo ay pagmamay ari na ng iba