Hindi naman ako galit sayo nung ikaw ay nawala
Pero ang nakakainis lang ay bakit kailangan kong kailanganin ka?
Hindi ko naman kailangan mag akala dahil wala namang ibig sabihin
Pero naghihintay pa rin naman ako kahit walang darating.Pabagal ng pabagal ang oras at patagal ng patagal ang sakit
Dati naman ay masaya bakit kailangan pang magpalit
Di nga manlang nagtagal yung saya na binigay niya
Pwede namang kasiyahan nalang kahit na wag na siyaDahil sawang sawa na rin naman akong masaktan
Mas lalo nakakasawa kapag pare-pareho lang ang dahilan
Kailangan ba talaga kita? O kailangan ko lang ng kasagutan
Siguro yun lang ang paraan para ang sakit ay mabawasan.