Tagu Taguan maliwanag ang buwan
Iyon ang panahon na ako'y iyong iniwan
Tagu-Taguan
Itago ang damdamin na nasasaktanPagbilang kong tatlo nakatago na
Nakatago na ang sakit para sa isa't isa
Nakatago na ang luha sa mga mata
Nakatago na ang salita na Mahal KitaHanapin ang nakatago
Nakatagong pagmamahal niya
Hanapin ang nakatago
Nakatagong sakit sa puso kong itoPagbilang kong tatlo
1. Isang babae na minahal kong sobra
2. Dalawang beses akong pinagmukang tanga
3. Tatlong beses ako naging walang halagaPaborito mo bang laruin?
Puso kong mahal ka pa rin
Tagu-Taguan
Sa iyak habang ako ay nasasaktanTaya ka Wah Taya!!
Taya ako! Ako na ang magpaparaya
Taya ka isang dalaga
Dalaga taya ka nga at bigyan mo na ako nang halagaHahabulin kita
Habulin ang pagmamahal mo sa akin sinta
Habulin mo ako
Baka bigla akong mawala sayoPagod na ako
Na intindihin ka
Oo. Pagod na ako
Pagod na pagod.