wag na.

13 2 0
                                    

Wag Na.

Noong araw na umalis ka
Napagtanto ko sa sarili ko na sana wag kanang babalik pa.....
Babalik ka pa ba?
Mababalik pa ba yung panahong tayo'y masaya
Yung mga puso natin na dalawa pinagiisa
Babalik ka pa ba?

Noong oras na lumisan ka.
Sabi ko di ako iiyak dahil sayo
Basang basa ang mga unan ko dahil sa pagiyak ng mga matang ito
Akala ko tatahan ako
Kelan ka ba babalik sa piling ko
Kailangan ko ang mga yakap mo
Kelan ka ba babalik

Noong panahong wala ka nasabi ko kakayanin kong mag isa
Hinahanap hanap kita
Di ako tumitigil sa pagtingin ng larawan mo
Babalik pa ba yung dating tayo
May natitirang pa bang pag ibig sa puso mo
Kelan ka ba babalik

Noong malungkot ka,pinatahan kita
Nung ako ay may kailangan ng karamay lagi akong nag iisa
Akala ko sa mga gagawin ko babalik ka
Napagtanto ko rin na ang tanga tanga ko pala
Babalik ka pa ba?

Sa loob ng maraming panahon kinaya ko ring mag isa
Napunasan ko na rin ang luha sa aking mga mata
At ngayong ika'y nag iisa,minamahal pa rjn kita
Pero wag na wag kanang babalik pa.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon