Higitan mo lahat ng mga nagawa ko para sa kaniya
Gawin mo lahat ng hindi ko kayang gawin para siya ay mapasaya
Ipaalam mo sa kaniya oras oras na siya ay sobrang mahalaga
Iparamdam mo sa kaniya na kahit kailan na mahal mo siyaDahil kung lilisan man ako atlis may taong magpapasaya sa kaniya
May taong handang mag mahal sa kaniya
Na hindi siya sasaktan,na hindi siya ipagpapalit sa iba
Atlis lilisan ako na masaya na siya sa ibaKahit ako na yung malungkot at masasaktan
Basta alam ko na hindi mo siya pababayaan
Alam ko na may taong kaya siyang habang buhay alagaan
At may taong handa talaga siyang ipaglabanDahil kahit hindi man ako ang naging parte ng masasayang alaala niya
Atlis ako ang dahilan kung bakit may isang taong nagpapasaya sa kaniya
Ipaglaban mo siya kagaya ng pinangako mo
Wag kang sumuko sa kaniya kagaya ng ginawa ko.