Katulad ng sirang plaka
Walang hintong lumuluha ang mga mata
Nung nalaman niyang umaasa lang pala siya
Sa tunay na minamahal niyaSarado ang bibig na parang inis stapler
Wag kang umasa sa kaniya di masabi bilang lover
Natatakot akong baka mawala ang pagkakaibigan
Baka kasi kung umamin ako, mawala ang pinagsamahanAng mga hangin ay sinusuntok ako
Dahil di ko maamin ang nararamdaman para sayo
At parang istatwa lutang pag nakita ang mukha mo
Pero di masabe ang "Pwede bang maging Tayo"Damdamin sana mawala kana
Para kapag kinakausap ko siya
Mawala ang aking mga kaba
At ang mata ko hindi na siya ang sinisintaHindi ka Tanga pero nasasaktan ka
Ika ko pero di mabanggit ang mahal kita
At kung tinanong mo kung kelan pa
Sasabihin ko simula nung una ikaw na talagaNasaktan ako dahil ibang tao na ang mahal niyon
Pero NANDITO LANG AKO pag sinaktan siya non
Handang saluhin puso niyang nahulog sa iba
Kahit masaktan ako basta ba sa kaniyaBumaha man ng luha at mabasa ang mata mo
Handang-Handa akong punasan ang mga ito
Kahit nasasaktan ako sa pag amin mo sa kaniya
NANDITO LANG AKO basta masaya ka