🍃

9 2 0
                                    

Maibabalik pa ba sa dati yung pinagsamahan?
Maibabalik pa ba yung puro kaligayahan ang nararamdaman
Maibabalik pa ba yung ngiti na aking dating nasisilayan
Babalik ka ba dahil sa totoo lang ako ay nahihirapan.

Maitatama ba ang pagkakamaling akin nang pinagsisisihan
Mababalik ba sa dati yung pagtingin na nawala simula nung nagkamalabuan
Maibibigay pa ba sayo yung hinihinging oras at kahalagahan
Maibibigay ko na sayo ito ngayon pero hindi mo na kailangan.

Mababago pa ba yung storya nating naisulat lamang para ako'y saktan
Malalayuan pa ba yung mahal ko kahit patuloy na ako nitong sinusugatan
Makakalimutan pa ba kita?
Kung hindi pa ako tumitigil na umasang babalik ka.

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon