Posas

5 0 0
                                    

Bakit nga ba bumibitaw ang mga puso ng dalawa kung nagmamahalan naman sila
Paano ba nangyayari na sa sitwasyon sila ay  nagkakasawaan na
Paano yung mga pangakong binitawan nila? Magiging salita nalamang ba?
Wala nang plano para tuparin at handa na talagang lumayo

Bakit nga ba lumalamig ang dati namang nagbabaga?
Hindi nga ba sapat ang isa? O may kailangan ng iba
Bakit nga ba ninanais ng iba kumawala sa pag iibigan na sila ang may likha
At pilit kinakalimutan ang taong dati niyang kasama gumawa ng masasayang alaala.

Bakit nga ba hindi kayang ayusin at pinipiling talikuran
Pagmamahalang binuo bakit ayaw nang panindigan
Dahil ba hindi na masaya? Dahil hindi na katulad ng dati?
Gusto mo bang balikan noong masaya pa kayo kahit sandali?

UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon